Sunday, February 27, 2011

Masaklap Tungo sa Masarap na Kinabukasan

Add caption
Ako po si Jade L. Flores, ay labing-limang taong gulang na babaeng nakatira sa Brgy. San Benito Alaminos Laguna. Ipinanganak po ako noong ika-3 ng Enero sa taong 1996 sa San Pablo City Hospital. Ang ina ko ay nagngangalang Evelyn Flores, isang butihing magulang na ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya maitaguyod lang kaming magkakapatid. Ang ama ko naman ay si Danilo Flores, ang masipag na haligi ng tahanan na handang ibuwis ang sariling buhay alang-alang sa kinabukasan ng buong pamilya. Ikatlo ako sa anim na magkakapatid, panganay sa babae kayat medyo hirap sa gawaing bahay nang lumaki. Ang mga sumusunod ay ang aking mga kapatid ay sina: June Mark, medyo demonyitong panganay; Adrian, ang masunuring kuya; Aldrin, matapang at tagapagtanggol ng aking mga nakakabatang kapatid; Shane, emosyonera kong kapatid; Daylyn, etsoserang bunso ng aming pamilya.


Noong bata pa ako mahilig akong kumain ng kung anu-anong bagay kalimutan ay bato daw sabi ng aking ina, kaya makikita sa kaanyuan ko ang naging bunga nang gawaing iyon. Mahilig akong kumain ng langka, isa sa mga paborito kong pagkain. Ang taba- taba ko noong panahong iyon. Ako na yata ang pinakamataba sa amin. Ilang buwan lang ang nakalipas ay biniyagan ako upang maging isang ganap ng katoliko at maging isa sa mga anak ng Panginoon.


 Ang aking larawan sa kaliwa ay nang ako'y siyam na buwan pa lamang. Ang larawan naman sa kaliwa ay nang akoy binyagan noong ako ay anim na buwan pa lang.



Masaya kaming pamilya sa pamumuhay namin. Kahit na isang maliit na bahay lang ang aming tahanan, punung-puno ito ng pagmamahalan sa bawat isa. Ngunit dumating sa punto na nagkasabay-sabay na ang aming suliranin. Unang-una, sa pera. Sabay-sabay na pumasok sa eskwela kaming magkakapatid at hindi makayanan ng aming magulang ang mga hinihinga namin. Ngunit kinya namin iyon. Kahit na tuyo at bulanglang na paayap ang aming ulam, ayos lang, MASUSTANSYA NAMAN! Pinapalitan ko ang mga paghihirap nila sa pamamagitan ng pagpupursige ko sa pag-aaral upang maiahon ko sila sa kahirapang aming dinanas na mga panahong iyon. Noong kindet pa ako ay maraming gantimpala ang iginawad sa akin dahil sa aking pagsisikap. Hindi nasusukat ang katalinuhan sa basta ulo lang ang pinapairal, kundi pati sinasamahan ito ng ibayong pagsisikap. Ako, masasabi ko na hindi ako masyadong matalino pero naipapakita ko sa magulang ko na kayang-kaya kong harapin ang mga hamon ng buhay kahit na sa murang edad.

Sinabayan pa ang problema nang magkaroon na malubhang karamdaman ang aking butihing ina na nag-udyok sa kanya upang ipaputol anh kanyang kaliwang paa. Bilang panganay sa babae, kailangan kong alagaan ang aking mga kapatid sa panahong naghihirap ang magulang at maging ang kuya namin sa ospital dahil sa pag-aalaga sa ina ko. Pagkatapos ng ilang buwang pasok-labas sa ospital, SALAMAT SA PANGINOON! Dahil sa nagwakas na ang matinding paghihirap na tiniis ng aking pamilya. Ginwa ko ang mga tungkulin sa bahay tulad ng pagluluto, paglalaba ng lahat ng mga damit ng pamilya, paglilinis at kung anu-ano pa habang namamahinga ang aking ina. Ginagawa ko iyon hanggang ngayon dahil hindi na makakaya pang lahat ng aking ina ang mga gawaing dapat siya ang gumagawa. Aba!, huwag sana kayong mabibigla, pero ako ang namimili ng mga panindang ulam kapag walang pasok! PROUD AKO sa gawaing iyon at masaya ako na kahit na sa konting bagay ay mkatulong ako sa pamilya ko.

Sa eskwelahan naman ay marami pa rin akong naiuuwing gantimpala na nagbibigay-linaw sa pagsisikap ko. Bawat baitang ay mayroon rin akong puwesto sa mga mahuhusay na bata sa klase. Marami rin akong naging kaaway sa kabila ng dami ng aking mga kaibigan. Hindi naman maaalis sa buhay ng tao ang magkaroon ng mga kalaban dahil isa iyon sa mga pagsubok na kailangan nating lagpasan at pagdaanan. Sa pagtatapos ko sa elelmentarya , may dalang lungkot ang aking nadarama sapagkat magkakahiwa-hiwalay na kami ng aking mga tunay na kaibigan. Nagkaroon ako na dalawang medal na para sa kahusayan sa klase at para sa pagiging Champion namin sa VOLLEYBALL. Ngunit naging masaya rin ako dahil susunod na tapak na naman ito tungo sa pag-unlad ng aming pamumuhay. Ipinasok ako ng aking ninong sa DSWD Scholarship kung saan makakatanggap ka ng allowance na pera sa munisipyo buwan-buwan na Php150 kapag registered ka. Malaking malaki ang pasasalamat ko sa ninong ko dahil napapakinabangan ito ng aking pamilya para sa bayarin sa eskwelahan at negosyo namin. Ngunit ang bakasyon bago ako mag-FIRST YEAR, nagkasakit naman ang aking ama na nalaman palang may goiter. Ako ay pabalik-balik sa ospital. Minsang ako ay nasa sasakyan patungo sa ospital sa aking ama, hindi ko napigilan ang aking pagluha at sabihin sa sarili na “MAWALA NA ANG LAHAT, HUWAG LANG ANG AMA NAMIN”. Dito ko lalong pinagbutihan ang aking pag-aaral. Nakapag-enrol ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa paaralang ito dahil hindi ako ang taong bibitiw sa paaralang iyon kapag ayaw o nahirapan.

Science ang seksyon ko dito hanggang sa ngayon. Noong FIRST YEAR ay nahirapan ako dahil hindi ako sanay sa mga gawaing pinagagawa ng mga guro dahil sa sobrang dami ng gawain at takdang-aralin na kailangang gawin ng mabilisan. Mangiyak-ngiyak ako dahil sobrang hihirap ng mga ito. Ngunit ‘di nagtagal ay nasanay na rin ako at nakakakilala ng mga bagong kaibigan. First year pa lang kami ay marami na nang isyu ang kumakalat sa silid-aralan namin. Isa na rito nang ang isa naming kaklase ay nagkasakit pero sinisiraan ng iba at sinabing nag-ka cutting daw ito. May computer kami noon kaya’t hirap na hirap ako dahil hindi naman ako marunong magcomputer ng mga panahong iyon. May Ibong Adarna din kami kung saan ako ang gumanap na leproso. Biruin mo nga ay naging 3rd pa ako! Yehey! Sa dami-rami ng mga pinagdaanan namin noon ay hindi namin malilimutan ang mga alaalang iyon na siyang tumatak sa aming mga puso, at isip. Nakilala rin namin si Sir Dionglay na siyang nagbigay sa amin ng pag-asa upang lumaban at magpursige pa lalo. Sa ikalawang antas ay doon ko mas lalong nalaman ang lahat. Nalaman ko na may isa palang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Nang maging isa ako sa mga HONOR STUDENTS noong 2nd Grading, mas lalo pa akong nagsikap sa pag-aaral dahil gusto ko sanang magtuloy-tuloy na iyon. Ngunit hindi ako pinalad kaya’t gusto ko itong ipagpatuloy sa susunod na taon. Meron naman kaming FLORANTE AT LAURA kung saan gumanap naman akong iasang lobo. Nanalo ako at naging 2nd. Tuwang-tuwa ang aking pamilya sa pagkakapanalo kong iyon . Sa kabila ng kasiyahang iyon ay tuluyang itong nawasak nang minsang mabuwag ang pagsasamahan ng apat na magkakaibigan , tila nasaktan din ang aking damdamin dahil sa kanilang pag-aaway na naging dahilan ng tuluyang di pagpapansinan nila.
Maiba, Pinalayas ng asawa ang aking pinsan kaya’t sa amin siya lumapit upang doon pansamantalang manirahan. Alam naming mali ang ginawa niya pero kinupkop pa rin siya ng mga magulang namin. Palagi ko siyang kalaro sa tuwing walang pasok ng baraha dahil may baraha siyang dala nang umalis siya. Babaero kaya laging wala sa bahay. Niloloko lagi naming magkakapatid siya dahil kahit na katanghaliang tapat ay nagkakape siya. Masarap siyang kasama sa bahay ngunit pansamantala lang ito kaya umalis din agad siya pagkaraan na isang buwan.


Tungo ulit tayo sa pag-aaral. Sa ikatlong antas nakakatakot ang mga guro namin kaya kinabahan ako sa unang linggo ng klase. Mga dalubhasa na yata ang mga guro namin pagdating sa pagleleksyon dahil marami kaming natutunan sa pag-aaral kapag sila ay nagtuturo. Sa first grading ay hindi ako makapaniwala sa aking nalaman! Pang top 10 ako! Sobra-sobra ang aking kasiyahan nang marinig ko ang aking pangalan. Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon na ako ay maging isa sa mga mahuhusay na bata sa aming eskwelahan. Mas ginalingan ko pa sa mga araling mabababa nag aking marka. Sa 3rd grading ay naging pang siyam naman ako . Tuloy-tuloy na ito! Hindi ako kailanman nawalan ng pag-asa sa pagkamit ng aking mga pangarap dahil alam kong makakamit ko iyon kung may ibayong pagsisikap dahil ito ang magdadala sa atin sa magandang kinabukasan. Sumali rin ako sa MHCC, isang samahang nanghihikayat na maging isang alagad ako ng Diyos. Gusto ko talagang sumalidito sapagkat marami na akong pagkakamaling nagawa sa tanang buhay ko at gusto kong mawala o kahit mabawasan man lang ito upang sa oras ng aking kamatayan ay may bagong buhay akong tatahakin.

Nakilala ko rin ang isa sa mga mananayaw na galing sa paaralan ng Liceo de San Pablo. Ito ay si Mervin Dayo. Namangha ako sa ipinakita niyang galing sa pagsayaw na sinabayan pa ng kanyang kagwapuhan kaya ang lakas ng appeal sa mga dalaga. Isa na ako don no! Nakilala ko siya noong ginanap ang Science Camp sa paaralan naming at isa ako sa mga nakilahok. Noong lumipas na JS Prom naming ay naging. Masaya naman ang gabi ko dahil kahit papano ay may nagsayaw sa akin. Ipinagmamalaki kong ipakilala sa inyo sina:Paul Rey Royo, Mark Joseph Caneo, at Jomar Escobido, ang trio!

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin akong sumasabay sa agos ng buhay na siyang magdadala sa akin sa tamang daan upang mas lalong pa naming mapaunlad an gaming pinatatayong negosyo. Balang araw ay magkakaroon ako na restaurant kung saan ang Chef ay AKO. Tatanaw ako na malaking utang na loob sa mga taong patuloy na sumusuporta sa aming kinabukasan at magandang pamumuhay.

Thursday, February 17, 2011

History of my Blogs Name


Many people have blogs that is a part of their everyday lives. The title of their blogs are taken from their personalities, attitudes, favorites and even a part of their names use to have them a very entertaining blog. There are many persons in a whole world doing personal blogs. Some are doing it as a hobby but others create it to post articles they make that wins in a competition and they like it to be an inspiration in times of happiness and failure. Me, as a student are doing also personal blog. Let me just clarify to you why FLOREScent JADE is a  name of my blog I have chosen. I chose this blogs name because it can be compared and relates to my life as a student, a daughter and a sister. My family and I suffered in many problems in our life. So I think, it is our time to have a better life because life is like a wheel, sometimes down but sometimes are on the top.
The world fluorescent is the best word that means light and light is our guide in our right. Since my childhood years, I face many difficulties. When I was In Grade 4 in elementary, my mother had a very serious disease that make her decision to cut his left foot. She’s always in the hospital with the companionship of my father and my big brother so I’m the one rules in our house as the eldest sister. We, as a family, face big problems especially a child like me. Also follows when my father had a serious disease too. The doctors can’t detect the illness caught by my father and the origin of the disease of my father. Until my father was brought to Manila and specialist told that my father has a goiter. At the very first, it’s not too much important for them to have a disease because this is normal for us to have disease sometimes. But I was enlightened and I need to make some way for us to not be abandon by our parents.Faith in God was the thing that I hold on to. And each time that we are undergoing such problems I’m still the one who is pursuing my family members to cheer up and don’t lose hope.

Percy Jackson and Olympians

 THE LIGHTNING THIEF



Ang pelikulang ito ay maayos na naisagawa sa pangunguna ng director nito na si Chris Columbus.
         Sa tuktok ng ng Empire State Building. Makikita ang pinakapunong si Zeus na kausap si Poseidon at ipinagtapat niya na nawala ang lightning bolt. Dahil dito ay inakusahan niya ang anak Poseidon na si Percy na isang magnanakaw. Ngunit wala naman talaga sa binata ang bagay na iyon.
          Si Percy Jackson, binatang labing-pitong gulang, ay ipinanganak na dyslexic ngunit kaya niyang tumagal sa tubig ng hanggang pitong minuto.Nang minsang tinawag siya ng guro upang sumagot sa katanungan ay nalaman agad niya ang kasagutan ngunit hindi na niya ito isinagot pa. Nasa lakbay-aral sila noon nang bigla siyangatakihin ng kanyang gurong si Bb. Dodds na isa palang halimaw at gusto makuha sa kanya ang lightning bolt. Hinabol sina Percy at ang halimaw ng kanyang matalik na kaibigan at ni G. Brunner upang iligtas siya. Hindi naman nagtagumpay ang halimaw sa pagkuha ng lightning bolt.  Pagkatapos ng p0angyayaring iyon ay may ibinigay  si G. Brunner kay Percy, isang ballpen na maaaring magamit ng binata sa oras ng pangangailangan okapahamakan. Sinabi rin ng gonoo na umalis na sila sa lugar sa lalong medaling panahon sapagkat delikado na ang buhay nila roon. Sinunod naman ni Percy ang utos at nagmadaling umalis  ang mag-ina kasama si Grover. Iniwanan nila ang tamad at magsusugal na asawa ni Sally na si Gabe Ugliano. Sa kabilang dako, inatake ang tatlo ng isang minotaur. Umalis sila sa nabaligtad nilang sasakyan at mabilis na tumakbo . Nagtagumpay naman si Percy sa pagpatay sa minotaur sa pamamagitan ng  ballpen na ibinigay sa kanya ni G. Brunner ngunit hindi niya nakuha ang ina sa halimaw.

          Natuklasan ni Percy nang nasa Camp Half-Blood na ang magkaibigan na ang tunay pala niyang ama ay si Poseidon. Ang pilay na kaibigan ay nalaman niyang sa mga kambing pala ang mga paa at ito ang kanyang tagapagprotekta sa haharapin niyang mga labanan. Isa pa sa mga nalaman ni Percy ay ang pagiging centaur ni G. Brunner na kilala roon bilang si Chiron. Si Chiron ang nagsabi kay Percy na tumungo sa Kabundukan ng Olympus upang doon magsimulang mag-ensayo gamit ang kanyang lakas at kapangyarihan bilang isang demigod. Isa na rito ay ang  pagsasanay sa pagmamanipula ng katubigan. Sa lugar na iyon niya nakilala ang  iba pang demigod tulad ni Annabeth Chase, anak  na babae ni Athena (Diyosa ng Karunungan) at Luke Castellan, ang anak naman ni Hermes . Isang araw  ay nagkaroon ng isang panggrupong gawain, at sa kalagitnaan  nito ay naglaban sina Annabeth at Percy. Walang kahirap-hirap na natalo ng dalaga ang binata. Labis ang pagkagalak ng grupo nila habang nakaratay sa buhanginan ang duguang lalaki, nagpumilit na lumapit sa katubigan. Nang mabasa ang palad ng binata, ay unti-unting dumaloy ang tubig papunta sa mga galos na natamo sa labanan. Muling nakabangon si Percy, punung-puno ang katwan ng lakas. Nilabanan niyang mag-isa ang mga kalaban at kamangha-manghang natalo niya ang lahat gayundin ang dalaga. Dito naging magkaibigan sina Percy at Annabeth. Kinagabihan, isang munting salu-salo ang ginanap. Ang apoy sa isang tabi ay nagliyab ng malaki, lumabas ang halimaw na kumuha sa ina ni Percy. Ipinagtapat ng halimaw na buhay pa ang ina ni Percy at kailangang ibigay sa kanya ang lightning bolt kapalit ng kanyang pinakamamahal na ina. Matagal ding dinamdam ni Percy ang sinabi ng halimaw. Hindi niya malaman ana gagawain. Maya-maya ay nagdesisyon ang binata na pumunta sa Underworld kasama sina Grover at Annabeth. Pinutahan ng tatlo si Luke na nagbigay sa kanila ng mapang ngpapakita ng lahat ng lugar na maaari nilang puntahan kung nasaan ang tatlong perlas, isang lumang panangga at isang pares ng sapatos na may pakpak na ninakaw pa ni Luke sa kanyang ama.

          Pagkatapos nilang makuha ang lahat ng kagamitan ay tumungo na sila sa lokasyon ng unang perlas, sa lumang garden center. Doon nila nakita si Medusa at nakalaban. Nanalo ang ttlo laban kay Medusa sa pamamgitan ng pagpugot ng ulo nito. Kinuha nila ang perlas sa kamay ni Medusa at kinuha rin ang ulo nito para muling magamit sa mga susunod na kalaban. Ang destinasyon ng sumunod na perlas ay sa Parthenon sa Nashville. Nakita nila ang bato sa gitna ng korona ni Athena, na siyang ina ni Annabeth. Kinagabihan nila kinuha ang perlas upang walang makaalam kung sino ang kmuha nito. Ginamit ni Percy ang sapatos na may pakpak para makuha iyon. Pagkatapos makuha ay dumatina ang ilang tao na nag-anyong dragon. Nagtagumpay muli sila sa pagkuha ng ikalawang bato at paglupig sa mga Hydra gamit ang ulo ni Medusa. Ang pinakahuling perlas ay natagpuan mula sa Lotus Hotel and Casino sa Las Vegas. Hindi naging madali sa kanila ang pagkuha ng huling bato. Noong una ay nagsasaya ang tatlo dahil sa nakain nilang Lotus Plant, ngunit hindi nagtagal ay naisip ni Percy ang dahilan ng kanilang pagparoon. Ito ay dahli sa huling perlas. Nagising sa katotohanan ang tatlo at dali-daling kinuha ang perlas sa isang laro doon. Hinabol sila na mga guwardiya at tauhan sa nasabing Casino kaya’t sumakay na lamang sila sa bagong kotseng maaaring mapanalunan ng mga tao roon. Pagka-start ng kotse ay mabilis na umarankada sa lansangan ang tatlo. Nang mabuo na ang  tatlong perlas ay tumungo na sina Percy, Annabeth, at Grover sa Underwold na matatagpuan sa Hollywood. Pagpunta nila ay may nakita  si Percy Jackson na ilang salita sa letrang H. Nabasa niya ito at nakalagay dito na “WELCOME TO THE LAN D OF DEATH.” Bumukas ang isang pintuan at pumasok ang atalo. Pagkaraan ng ilang minuto ay may humarang sa magkakaibigan at humingi ng kung anumang bagay para makadaan sila. Ibinigay ni Percy sa lalaki ang guntong baryang kasama sa dinala nila sa paghanap ng atalong perlas. Dahil dito ay pinadaan ng lalaki ang tatlo. Mulina nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo. Nagulat sila sa tatlong halimaw na sumalubong sa kanila. Tauhan ito ni Persephone na asawa ni Hades. Tumungo sila sa tiyuhin. Itinanong ni Percy Kay Hades kung nasaan ang kanyang ina. Marami siyang ipinaliwanag tulad ng pagsasabi na hindi siya ang nagnakaw ng lightning bolt. Pinakawalan na ni Hades ang ina ni Percy. Sa sobrang kagalakan ay nabitawan ni Percy ang lumang panangga . Nakita ni Hades ang lightning bolt sa loob ng panangga na naroon pala sa lahat ng oras. Nagalit ito kay Percy at binuksan ang pintuan na punung-puno ng nagliliyab na apoy kasabay ng paglapit sa kanila na mga halimaw na mukhang aso. Dahil dito, kinuha ni Persephone ang lightning bolt kay Hades at pinatay ito. Ginamit nila ang tatlong perlas para makaalis sa Underworld. Naiwan si Grover dahil kulang ang perlas.
          Nakapag-teleport ang tatlo sa Empire State Building. Dumating si Luke at naglaban silang dalawa ni Percy. Nanalo naman ang bida kaya naibalik ang lightning bolt kay Zeus. Pagkatapos maibalik, ay pinatawad na siya ni Zeus. Luminis na muli ang kanyang dignidad at nag-usap sina Percy at ang ama nitong si Poseidon.
          Nagtapos ang kwento nang bumalik si Percy sa Camp Half-Blood para muling mag-ensayo at naging masaya ang lahat.  
    



I Am a Responsible Netizen


Many users of computer doesn’t know the importance of computer. Most of them are irresponsible because they don’t care even if it will be destroyed. While other use this to have communications to their love ones , but the worst , many people become addicted in having facebook, ,playing online games and not responsible in using the internet. You, as a student or a citizen, do you want to be another man who are not responsible in being a netizen? If I were about to asked, I don’t want because I want to be an example for the people who doesn’t know the importance of internet.

I’m a simple student that don’t know a little how to use the computer.But I know in myself that I’m irresponsible in using the one and only thing that help me for me to improve more my knowledge this is internet .i’m not that person that let open all websites ,especially internet after using .I carefully off it in a right time.I doesn’t waste time in a computer shop. In internet there are so many websites like facebook ,youtube,gmail etc., But the most used website is a blog that we are about to used. I know that is too difficult for me to spread to all person being a responsible netizen but it's better to start it to me for all of for to know better the importance of internet. Don't waste our time that we have internet because this can be dissapear easily. It's too hard when ther's no internet. It can help a lot for us to improve our skills. So, don't be naughty. Be also a model of every person that you know. Be a responsible internet user! Be a responsile NETIZEN!

Wednesday, February 16, 2011

Mahal Ko Siya

                                                              jade flores

Ang tunay na pag-ibig ay yaong pagtanggap sa taong minamahal anuman ang pagkatao nito. Walang tao ang kailanman hindi nakaranas ng pag-ibig. Lahat tayo ay kayang ipagtanggol ang ating pinakamamahal alang-alang sa pag-iibigan sa  isa’t-isa.
          Ang kwentong ito ay nagsimula sa isang lalaking handing ipagtanggol ang pag-ibig niya  sa  nag-iisang babaing nagpatibok ng kanyang puso. Sakripisyo at pagtitiis ang  kinaharap niya para sa minamahal.
          Si Tyron Buenaventura, labing-anim na taong gulang, ay nakatira sa isang barangay  sa lungsod ng San Pablo. Siya ay may matipunong katawan at maganda ang pakakahulma ng kanyang mukha, gwapo ika nga. Hindi naman niya sinayang ang kagandahan niyang lalaki sapagkat siya ay talgang may interes sa pag-aaral. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, isa sa mga pampublikong paaralang pansekundarya sa San Pablo, siya ang pinakamahusay sa kanilang klase sa seksyon ng science. Madalas din siyang manalo sa mga kompetisyong kanyang nilalabanan. Nagsusulat rin si Tyron ng mga artikulo sa school paper ng kanilang paaralan. Hilig niya ang editoyal. Ilang buwan na lamang ay makakamit na niya ang pinakamimithi niyang pangarap, ang makapagtapos ng sekundarya at makatuntong sa ikahuling yugto ng kanyang pag-aaral, ang kolehiyo. Kailanman ay hindi siya nahumaling sa kagandahan ng mga dalaga sa paaralang iyon bagaman maraming babae ang nagpapaganda mapansin lang niya. Tanging ang pag-aaral muna ang kanyang inaatupag.

          Hanggang isang araw, may isang pagkaganda-gandang babae ang nakilala ni Tyron, si Vanessa De Guzman. Transfer ang dalaga mula sa paaralan ng Liceo de San Pablo. Hindi na nakayanan ng magulang niya ang papag-aralin siya sa pampribadong paaralan kaya’t malaki ang panghihinayang ng dalaga sa desisyon ng magulang. Si Vanessa labing-limang  taong gulang na babaing may katalinuhang taglay ngunit may itinatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Sa dati niyang paaralanay pangatlo siya sa pinakamahuhusay na estudyante. Tahimik siyang babae at mabait sa kapwa. Pantay-pantay lang ang pagtingin niya sa lahat ng taong nakakasalimuha niya. Nakatira ang dalaga sa San Marcos sa lungsod ng San Pablo. Nagkakilala ang dalaga at si Tyron nang minsang magkabanggaan sila sa oval ng Dizon High dahil sa paghahanap ng kanilang mga silid-aralan. Nagkahiyaan ang dalawang teenagers sapagkat nagkatinginan sila ng matagal sa isa’t-isa. Doon na nila nalaman ang kani-kanilang personalidad. Science dim pala ang seksyon ng dalaga. Naging magkaibigan sila mula noon. Hanggang sa pag-uwi ay hindi pa rin malimutan ni Tyron ang dalaga, sa ganda at yumi nito, lalo na ang mga nang-aakit nitong mga mata.
          “Masarap din palang kausap si Vanessa,” ang tuwang-tuwang sabi ni Tyron sa sarili habang inaalala ang kaibigan.
          Hindi malaman ng binata ang nararamdaman Kay Vanessa. Hindi siya mapakali sapagkat nagugulumihanan ang kanyang puso at isip kung mahal nab a niya ang dalaga, o pawang  pagmamahal lang ito sa kaibigan. Ngunit ngayon lang siya nakadama ng ganoon na bawat oras, minute at segundo ay palagi niyang naiisip ang dalaga. Para ring bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing  maaalala ito.
          Hatinggabi na nang makatulog si Tyron kaya’t kinabukasan ay muntik na siyang mahuli unang klase dala ng matinding pagkapuyat. Pagpasok niya sa room 26, ang bagong silid-aralan ng mga IV-Science ay una niyang nakita si Vanessa na himbing na himbing sa pagkatulog. Dahil dito ay nasabi na lamang ni Tyron sa sarili na,
          “Napuyat rin siguro sa kaiisip sa akin.”
          Nang magsimula na ang klase ay napansin ng binata na tulog pa rin si Vanessa. Nagtaka na mula noon ang binata. Nang katanghaliang tapat, naglakas loob si Tyron na lumapit sa kaibigan at nagtanong.
          “Bakit parang puyat na puyat ka?” tanong ng binata.
          Hindi kaagad nakapagsalita ang dalaga sapagkat nahihiya pa siyang ipagtapat sa kaibigan ang tunay niyang pagkatao. Namumutla siyang pinagmasdan ng lalaking kaibigan.
          Ngunit maya-maya ay nagsalita na rin ang dalaga.
          “Maaari bang sa oval tayo mag-usap?” tanong ni Vanessa.
          Pumayag naman si Tyron. Hindi pinansin  ng magkaibigan ang matinding sikat ng araw malaman lang ng binata ang nasasaloob ng kaibigan. Una na nagsalita si Vanessa.
          “Huwag ka sanang mabibigla, ngunit hindi lang tao ang lahi ko. May lahi rin akong  bampira,”mabilis na sabi ni Vanessa sa kaibigan.
          Nanlaki ang mga mata ni Tyron dala ng matinding pagkatakot.
          ” Ngunit huwag kang matatakot sapagkat hindi ako masamang bampirang nakilala mo. Hindi ako nandadamay tulad ng iniisip mo. Hindi ko kayang dalhin sa masama ang mga taong minamahal ko, lalong-lalo na ang taong naglakas-loob  para maging kaibigan ko, IKAW, “ani Vanessa.  
          Dahil sa sinabing iyon ng kaibigan ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Tyron. Lalo pang nadagdagan an gang pagmamhal ni Tyron sa kaibigan. Dahil ditto, ay ipinagtapat din ng binata na patuloy pa rin niyang magiging kaibigan gna dalaga at hindi ipagkakalat ang nalaman sa kaibigan.
          Namula si Vanessa, hindi malaman ang nararamdaman  ng kanyang puso. Matagal ang pag-uusap ng dalawa sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Nakahiga ang magkaibigan at masayang pinagmamasdan ang malawak na kalangitan.
          “Kay gandang pagmasdan na langit! Nawawala ang lahat ng problema ko kapag nakatingin ako diyan,” ang nagagalak na sabi ni Vanessa kay Tyron.
          “Alam mo bang may mas gaganda pa sa ganda na kalangitan?” tanong ni Tyron sa kaibigan.
          “Ano?” ani Vanessa.
          “Hindi, Sino,”ayon sa binata.
          “E, sino?”
          “E di, ikaw,” ang nakangiting  sagot ni Tyron.”       
          Lubha ang pagkatuwa ni Vanessa kahit na nakornihan siya sa lalaki. Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa sobrang kasiyahang nadarama nila sa isa’t-isa. Ngunit hindi nila nabanaagan ang isang tsismosang estudyante, si Clara. Matagal nang may pagtingin si Clara kay Tyron ngunit hindi man lang ito  mapansin ng binata sapagkat masyadong makasarili nito at mayabang. Kaya’t nang marinig ni Clara na may lahi si Vanessa ng pagkabampira, ipinagkalat kaagad niya ang pagkatao ng babaing umagaw sa kanyang minamahal na si Tyron. Parang apoy na kumalat sa buong paaralan ang tsismis ni Clara.
          Kinabukasan, nang umagang-umaga, dumating si Vanessa . Napansin ng dalaga na halos lahat ng makakasalubong niya sa daan ay iba ang pagtingin sa kanya kaya’t dali-dali siyang lumakad patungo sa silid-aralan niya. Halos magkasunod lamang na dumating sina Vanessa at Tyron. Pagdating ni Tyron sa loob ng kanilang sild-aralan, nakita niya si Vanessa, nakaupo  sa isang tabi, parang nahihiya sa sarili. Ikinuwento ng mga lalaking kaklase  nila ang tunay na dahilan kung bakit usap-usapan si Vanessa sa buong paaralan.
          Ito ang sinabi nila, “Tyron, hindi  pa ba ninyo nalalaman  ang usapan  dito, na si  Vanessa daw ay isang bampira. Ito ay ayon lang naman kay Clara. Alam mo naman ang babaing iyon, hindi magpapatalo, ayaw daw niyang maagawan siya ng isang bagong transfer na babae.”
          Pinagsamang pagkatakot at pagkagalit ang nararamdaman ni Tyron nang marinig ang salitang nagmula sa kaklase nila. Pagkatakot sapagkat  maaaring ma-expel ang kanyang kaibigan sa paaralan at pagkagalit dahil hindi niya akalaing magagawa iyon ni Clara. Agad niyang pinuntahan ang babaing nagpasimula ng tsismis at sinabi ng may panggigigil ang ganito.
          “Clara, ano ba ang pinagsasabi mo tungkol tungkol kay Vanessa?”
          Sinagot naman ni Clara si Tyronat sinabing , “Simple lang, ipinagkalat ko lang naman kung ano ang narinig ko kay Vanessa.”
          Napikon na si Tyron kaya hinawakan  niya si Clara ng mahigpit na mahigpit sa braso na para bang hindi niya padadaluyan ng dugo ang braso ng kawawang babae.
          “Aray ko, nasasaktan ako!” ang sabi ni Clara habang nananakit ang braso.
          “Sa oras na may mangyaring masama  kay Vanessa, mananagot ka!” ang pagalit na sabi ni Tyron.
          Makikita sa mukha ni Clara ang pagsisisi sa ginawa kaya’t binitawan na ni Tyron ang dalaga at iniwanan na ito.
          Bumalik si Tyron papunta sa kaibigan at nakita niya na kulang na lang ay mamatay si Vanessa sa dami na galos at sugat sa katawan na kakagawan ng mga taong ayaw sa dalaga . Dali-daling tinulungan ni Tyron si Vanessa. Ipinagtapat niya ang katotohanan sa harap ng maraming tao.
          “May lahi talaga ng bampira si Vanessa. Ngunit naparito siya upang matuto na tamang asal, malaman ang buhay ng isang normal na tao, at…..
          Napatigil ang mga tao at nabitin sa sinabing iyon ni Tyron.
          At matutong magmahal.” Mahal ko na si Vanessa. Hnada kong isakripisyo at ibuwis ang lahat para sa kapakanan ng nag-iisang taong nagpatibok ng aking puso.      
          Natigilan at nabigla ang lahat sa sinabing iyon ni Tyron. Maging ang mga guro ay hindi makapaniwala. Maya-maya ay nagliwanag ang buong paligid. Nasilaw ang lahat ng tao maliban kay Tyron. Nakita niya ang Panginoon na nakatingin sa kanya, nakangiti. Natuwa si Tyron dahil alam niya ang dahilan ng pagngiting iyon  ng Panginoon. Pagkatapos ay nawala na ang liwanag at nakita ni Tyron si Vanessa na malakas na. Walang bakas ng mga sugat sa dalaga.Wala nang gumambala sa pagmamahalan ng dalawa.


   



Samahang Nagpabago ng Buhay Ko


                                                                   `        Jade Flores
          Mary Help of Our Christians, PRAY FOR US! Ito ang kalimitang binibigkas ng mga miyembro ng MHCC(Mary Help of Our Christians Crusade) na naglalayong mapaunladang pananalig natin sa Panginoon at pagkilala sa Birheng Maria bilang Kanyang Ina. Maraming lugar ang pinupuntahan ng mga samahan saanmang dako ng daigdig. Sa Pilipinas, kayrami nang paaralan sa lalawigan ang kanilang natunguhan sa Luzon,Visayas at Mindanao. Isa na rito ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna. Mapalad ang paaralan naming sa samahang ito.
          Kung inyong matatanto, sinabi ko ang lahat ng tungkol sa MHCC sapagkatisa ako0 sa mga miyembro ng samahang ito. Marami ang nagbago sa buhay ko nang sumali ako sa samahan. Isa na rito ang palaging pananalangin at pasasalamat sa Panginoon at kay Birheng Maria anuman ang mayroon kami ngayon. Natutunan ko rin ang pitong “DEADLY SINS” na nagngangalang PALEGAS.
          P-ride, nangangahulugan ngpagkapalalo o mayabang
          A-nger, pagkagalit
          L-ust, pananasa
          E-nvy, inggit
          G-luttony, kasibaan
`         A-varice
          S-loth, katamaran
Nakilala ko ang MHCC nang minsang dumalawe ang dalawang madre sa paaralan namin at pinasasali ang bawat estudyanteng nakakasalamuha nila ng hindi namimilit. Dahil sa kanila, mas lalo ko pang nakilala ang Panginoon at mas napalapit pa ang puso ko sa Kanya. Bawat oras na lumilipas ay isang panalanging gusto kong ihandong sa aking pamilya at sa sarili. Dati-rati, hindi komakayanan ang mag-isa at walang sino mang kausap ngunit ng makilala ko ang samahang  MHCC, nagiging matatag na ako sa pagharap sa buhay na aking tinatahak.
Marami na ring aktibidad ang aking  nasalihan kasama ang aking mga kaibigang sina Recy Pagaduan at Camille Keith Alcantara. Sa mga aktibidad na ito lalong nabawasan ang mga kasalanan sa aking pagkatao at mga nararamdaman ng aking puso na hinding-hindi ko mailabas. Madalas rin kaming magrosaryo na alay namin sa mga kamag-anak o kahit mga taong patuloy na nagtitiis sa purgatoryo at maging mga taong nag-aagaw buhay at inihahanda na ang kanilangkaluluwa sa langit kung sakaling pumanaw.
Hindi lang sariliko ang nadala sa agos ng buhay na katabi ang Panginoon at Birheng Maria kundi pati na rin sa mga taong nais ring mapalapit ang mga puso nila sa Mag-inang banal tulad ng pamilya ko. Sa tuwing sisimba sila ay gusto nilang lagging kasama upang marinig at maunawaan din nila ang mabuting balita ng Panginoong Diyos. Marami kaming nakikilalang iabang personalidad sa iba’t-ibang aktibidad na aming sinasalihan.
Talagang walang makapaghihiwalay kung gusto mong makipag-ugnayan sa Poong Lumikha sapagkat walang sinuman ang kayang paghiwalayin ang mgataong nagkakaisa para mapaunlad pa nila ang pananalig at pananampalataya sa Panginoon kaya’t kung may tumungo sa inyong paaralan na miyembro ng MHCC, huwag magdadalawang-isip at mag-aatubiling sumali sa naturang samahan. At sa mga dati pang miyembro ng samahan, BE PROUD THAT YOU ARE A MEMBER OF MHCC!  

MARY HELP OF OUR CHRISTIANS, PRAY FOR US!





Monday, February 14, 2011

Ang Pamilyang Matatag

                                     Jade Flores 

    Karaniwan sa isang pamilya ang nagkakawatak-watak sa maraming dahilan. Isa na rito ay ang mga bisyong hindi malutas-lutas.  Narito ang isang kwento tungkol sa isang pamilyang lubos ang pagmamahalan sa bawat isa kaya't walang anuman at sinuman ang nakakapag-hiwalay sa kanila. Tunghayan natin ang kwentong ito.

    Sina Candy at Mighty ay mag-asawang mahigit 23 taon nang nagsasama. Sa tagal ng kanilang pagsasamahan ay hindi nila nalimutan ang pasasalamat at pananalig sa Panginoong Maykapal at sa mga biyayang kanilang natatanggap sa bawat araw. Ang lalaking si Mighty ay walang anumang bisyo sapagkat sinusunod niyang lahat ang anumang gustuhin ng kanyang sweet na asawa. Biniyayaan ang mag-asawa ng limang anak ng may iba't-ibang talento. Si PHILIP MORRIS (mas kilala sa pangalang Philip), ang panganay, ay mahusay magsulat ng mga matatalinghagang kwento. Ang sumunod ay si MARLBORO (o Marl) ay mahusay naman sa pagguhit ng kung anu-anong larawan. Malawak ang imahinasyon ni Marl kaya't nakakapagguhit siya ng dalawang larawan sa loob ng limang minuto. Si WINSTON naman ang panggitna sa magkakapatid ay magaling sa pagsasayaw. Maraming dance steps ang kaya niyang likhain kapag nakakarinig siya ng musika. Si FORTUNE naman ang pang-apat, ay sinasabing pinakamatalino sa limang magkakapatid sapagkat kaya niyang sagutan ang anumang takdang aralin ng kanyang mga kapatid nakakatanda man ito. At ang bunso, si TABAKO, na mahusay sa pangangaral  kahit nasa murang edad sapagkat nais daw niyang maging isang pari. Tinuturuan niya ng mga magagandang asal ang mga pasaway na kuya at madali naman siyang sinusunod ng mga nakatatandang kapatid sapagkat alam nilang tama  lang sa kanila ang pangaralan upang masanay silang huwag gawin ang mga maling gawain.


    Sa kabila ng iba't-ibang talento ng limang magkakapatid ay may pareho-pareho silang kinahihiligan, ang larong billiards.Tuwing uwian sa hapon ay dali-daling sinusundo ni Philip ang apat na kapatid upang makapaglaro siya ng billiards.Palagiang gawain niya ang sunduin ang mga nakababatang kapatid dahil isa ito sa mga tungkulin kailangan niyang gampanan bilang kuya. Hindi niya akalain na magugustuhan rin ito ng mga kapatid. Paano nga naman hindi mahuhumaling ang mga kapatid niya, e, tuwing dapithapon ay sa bilyaran ang tungo nila? Hindi naman nagagalit ang mga magulang nla sapagkat ang larong ito ang nagiging inspirasyon ng magkakapatid upang lalo pang magpursige sa pag-aaral.Hindi naman sa kinukunsinti nila, ang sa kanila lang ay baka malungkot ang mga anak at isipin pa lalo ang hindi paglalaro kaysa sa pag-aaral. Hindi nila pinababayaan ang nag-iisang bagay na maipamamana ng magulang nila, ang EDUKASYON na kailangan nila s pagkamit ng kani-kanilang pangarap.


    Maligaya at walang problema ang buong pamilya. Walang anumang sakitan at awayan ang nagaganap sa kanilang tahanan dulot ng kasakiman sapagkat alam nila na walang mabuting ibubunga ang ang pag-aaway nilang iyon, bagkus , lalo pa silang mapapasama. Ang pinagbubuti ng pamilya ay ang pagmamahalan sa isa't-isa at pagsasama ng maluwat.


       Ang limang magkakapatid ay nagmana sa kanilang ama. Wala rin silang kabisyo-bisyo at palaging malusog ang  kanilang pangangatawan. Hanggang isang araw, napabarkada si Philip sa masamang kaibigan.Nalulong ang binata sa bisyong magdadala sa kanya sa kapahamakan. Dahil dito, naligaw siya ng landas, hindi malaman kung sasan patungo. Madalas siyang manigarilyo at uminom ng alak kaya't natiwalag siya bilang isang manunulat ng dyaryo sa paaralan. Nasayang  sng lahat ng pinaghirapan ng mag-asawa para sa kinabukasan niya at maging ng mga kapatid. Lalo na nang malamang nagdodroga na pala ang kuya, dali-daling idinetalye ni Tabako ang nangyari. Malungkot ang kinalabsan ng mga sumunod na pangyayari. Pinadala agad sa rehabilitation centre si Philip upang madali ang paggaling  nito. Noong una ay lagi nilang naiisip si Philip ngunit ng mga sumunod na araw ay kinalimutang pansamantala ang kuya nila sapagkat maaaring makasama nila ang kuya sa rehab kung iisipin pa ito. Sabi nga ng iba, DON'T LOSE HOPE dahil nasa tabi lang natin ang Diyos. Manalig tayong lahat sa Kanya.


        Ilang araw ang lumipas, may nabalitaan ang apat na magkakapatid na isang paligsahan sa pagsayaw. Grupo ito na mula tatlo hanggang sampu ang miyembro. Malaki ang premyo kaya't nagpumilit si Winston  na pasalihin ang mga kapatid. Pumayag naman ang mga ito. Ilang araw ring pinagsikapang buuin ng magkakapatid  ang mga steps. Matindi rin ang hirap na pinagdaanan nila makamit lamang ang rurok ng tagumpay. Nang gaganapin na ang paligsahan, kaba at takot ang nararamdaman ng magkakapatid ngunit si Winston ay pusigidong-pursigidong sila ang mananalo.  Hindi naging mali ang hula ni Winston, naging CHAMPION nga sila! Sa 30 grupong nakipagkompetensya, galak at pagkatuwa ang nararamdaman ng apat dahil hindinila sukat akalaing mananalo sila. Naroon naman ang magulang nila kaya't taas noong ipinagmalaki ang magagaling na mga anak.


        Pagkatapos ng programa ay umalis na agad ang mag-anak upang dalawin ang kuya nila. Ikinuwento ni Fortune ang mga pangyayaring naganap sa labas ng kulungan iyon. Ngunit hindi pa rin ito maintindihan ng kuya sapagkat iba nasasaisip nito.  Lubhang nalungkot ang lahat kaya umalis ang mga ito na may dalang panghihinayang sa nalukong binata.

        Makalipas ang dalawang taon, hindi pa rin nabubuwag ang pagsasamahan ng pamilya at patuloy pa rin ang pananalig sa Poong Maykapal. Nakapagtapos na si Marl ng sekundarya at kumuha ng kursong drafting sapagkat gustung-gusto talaga niya ang pagguhit. Malaki na rin ang dating sipunin na si Tabako. Tuwang-tuwa ang ina si Candy sa narating ng mga anak lalong-lalo na sa asawang hindi naligaw ng landas at hindi kailanman nangbabae. Alam niyang matino ang asawa niya. Ika-dalawampu't limang taon na ang anibersaryo ng mag-asawa. Ito ang silver anniversary nila kaya't kinagabihan ay nagkaroon ng munting salu-salo sa kanilang tahanan.

        Ngunit nagtaka si Candy at ang nga anak nila sapagkat umaga pang umalis si Mighty ay wla pa rin siya inagbihan. Nagmukmok ang asawa dahil naiisip nito na baka may kinakasamang ibang babae ang asawa at doon umuwi. Nag-asal bata ang ina ng magkakapatid sa loob ng kwarto. habang nasa loob ang ina ay patuloy na nag-aantay ang magkakapatid sa pagdating ng ama upang salubungin. Nagulat ang lahat maging ang mga bata nang makita ang amamng kasama ang narehab na anak na si Philip. Labis-labis ang katuwaan ng lahat na sinalubungan nila ng masigabong palakpakan. Lumabas si Candy at mangiyak-ngiyak na lumapit at mahigpit niyang niyakap ang mag-ama. inasikaso pala ni Mighty ang paglabas ng anak.

        Nagsimula na ang kasiyahan sa tahanan. Naging maligaya ang lahat at naging unforgettable ang pangyayaring iyon hindi lang sa mag-anak, kundi pati na rin sa ng taong tumulong upang lalong pang tumibay ang pagsasamahan nila. Isa pa sa mga dahilan ng kanilang pagkatuwa ay nang makasama nila ang kapatid (o anak) na matagal na nawalay sa kanila