Sunday, February 27, 2011

Masaklap Tungo sa Masarap na Kinabukasan

Add caption
Ako po si Jade L. Flores, ay labing-limang taong gulang na babaeng nakatira sa Brgy. San Benito Alaminos Laguna. Ipinanganak po ako noong ika-3 ng Enero sa taong 1996 sa San Pablo City Hospital. Ang ina ko ay nagngangalang Evelyn Flores, isang butihing magulang na ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya maitaguyod lang kaming magkakapatid. Ang ama ko naman ay si Danilo Flores, ang masipag na haligi ng tahanan na handang ibuwis ang sariling buhay alang-alang sa kinabukasan ng buong pamilya. Ikatlo ako sa anim na magkakapatid, panganay sa babae kayat medyo hirap sa gawaing bahay nang lumaki. Ang mga sumusunod ay ang aking mga kapatid ay sina: June Mark, medyo demonyitong panganay; Adrian, ang masunuring kuya; Aldrin, matapang at tagapagtanggol ng aking mga nakakabatang kapatid; Shane, emosyonera kong kapatid; Daylyn, etsoserang bunso ng aming pamilya.


Noong bata pa ako mahilig akong kumain ng kung anu-anong bagay kalimutan ay bato daw sabi ng aking ina, kaya makikita sa kaanyuan ko ang naging bunga nang gawaing iyon. Mahilig akong kumain ng langka, isa sa mga paborito kong pagkain. Ang taba- taba ko noong panahong iyon. Ako na yata ang pinakamataba sa amin. Ilang buwan lang ang nakalipas ay biniyagan ako upang maging isang ganap ng katoliko at maging isa sa mga anak ng Panginoon.


 Ang aking larawan sa kaliwa ay nang ako'y siyam na buwan pa lamang. Ang larawan naman sa kaliwa ay nang akoy binyagan noong ako ay anim na buwan pa lang.



Masaya kaming pamilya sa pamumuhay namin. Kahit na isang maliit na bahay lang ang aming tahanan, punung-puno ito ng pagmamahalan sa bawat isa. Ngunit dumating sa punto na nagkasabay-sabay na ang aming suliranin. Unang-una, sa pera. Sabay-sabay na pumasok sa eskwela kaming magkakapatid at hindi makayanan ng aming magulang ang mga hinihinga namin. Ngunit kinya namin iyon. Kahit na tuyo at bulanglang na paayap ang aming ulam, ayos lang, MASUSTANSYA NAMAN! Pinapalitan ko ang mga paghihirap nila sa pamamagitan ng pagpupursige ko sa pag-aaral upang maiahon ko sila sa kahirapang aming dinanas na mga panahong iyon. Noong kindet pa ako ay maraming gantimpala ang iginawad sa akin dahil sa aking pagsisikap. Hindi nasusukat ang katalinuhan sa basta ulo lang ang pinapairal, kundi pati sinasamahan ito ng ibayong pagsisikap. Ako, masasabi ko na hindi ako masyadong matalino pero naipapakita ko sa magulang ko na kayang-kaya kong harapin ang mga hamon ng buhay kahit na sa murang edad.

Sinabayan pa ang problema nang magkaroon na malubhang karamdaman ang aking butihing ina na nag-udyok sa kanya upang ipaputol anh kanyang kaliwang paa. Bilang panganay sa babae, kailangan kong alagaan ang aking mga kapatid sa panahong naghihirap ang magulang at maging ang kuya namin sa ospital dahil sa pag-aalaga sa ina ko. Pagkatapos ng ilang buwang pasok-labas sa ospital, SALAMAT SA PANGINOON! Dahil sa nagwakas na ang matinding paghihirap na tiniis ng aking pamilya. Ginwa ko ang mga tungkulin sa bahay tulad ng pagluluto, paglalaba ng lahat ng mga damit ng pamilya, paglilinis at kung anu-ano pa habang namamahinga ang aking ina. Ginagawa ko iyon hanggang ngayon dahil hindi na makakaya pang lahat ng aking ina ang mga gawaing dapat siya ang gumagawa. Aba!, huwag sana kayong mabibigla, pero ako ang namimili ng mga panindang ulam kapag walang pasok! PROUD AKO sa gawaing iyon at masaya ako na kahit na sa konting bagay ay mkatulong ako sa pamilya ko.

Sa eskwelahan naman ay marami pa rin akong naiuuwing gantimpala na nagbibigay-linaw sa pagsisikap ko. Bawat baitang ay mayroon rin akong puwesto sa mga mahuhusay na bata sa klase. Marami rin akong naging kaaway sa kabila ng dami ng aking mga kaibigan. Hindi naman maaalis sa buhay ng tao ang magkaroon ng mga kalaban dahil isa iyon sa mga pagsubok na kailangan nating lagpasan at pagdaanan. Sa pagtatapos ko sa elelmentarya , may dalang lungkot ang aking nadarama sapagkat magkakahiwa-hiwalay na kami ng aking mga tunay na kaibigan. Nagkaroon ako na dalawang medal na para sa kahusayan sa klase at para sa pagiging Champion namin sa VOLLEYBALL. Ngunit naging masaya rin ako dahil susunod na tapak na naman ito tungo sa pag-unlad ng aming pamumuhay. Ipinasok ako ng aking ninong sa DSWD Scholarship kung saan makakatanggap ka ng allowance na pera sa munisipyo buwan-buwan na Php150 kapag registered ka. Malaking malaki ang pasasalamat ko sa ninong ko dahil napapakinabangan ito ng aking pamilya para sa bayarin sa eskwelahan at negosyo namin. Ngunit ang bakasyon bago ako mag-FIRST YEAR, nagkasakit naman ang aking ama na nalaman palang may goiter. Ako ay pabalik-balik sa ospital. Minsang ako ay nasa sasakyan patungo sa ospital sa aking ama, hindi ko napigilan ang aking pagluha at sabihin sa sarili na “MAWALA NA ANG LAHAT, HUWAG LANG ANG AMA NAMIN”. Dito ko lalong pinagbutihan ang aking pag-aaral. Nakapag-enrol ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa paaralang ito dahil hindi ako ang taong bibitiw sa paaralang iyon kapag ayaw o nahirapan.

Science ang seksyon ko dito hanggang sa ngayon. Noong FIRST YEAR ay nahirapan ako dahil hindi ako sanay sa mga gawaing pinagagawa ng mga guro dahil sa sobrang dami ng gawain at takdang-aralin na kailangang gawin ng mabilisan. Mangiyak-ngiyak ako dahil sobrang hihirap ng mga ito. Ngunit ‘di nagtagal ay nasanay na rin ako at nakakakilala ng mga bagong kaibigan. First year pa lang kami ay marami na nang isyu ang kumakalat sa silid-aralan namin. Isa na rito nang ang isa naming kaklase ay nagkasakit pero sinisiraan ng iba at sinabing nag-ka cutting daw ito. May computer kami noon kaya’t hirap na hirap ako dahil hindi naman ako marunong magcomputer ng mga panahong iyon. May Ibong Adarna din kami kung saan ako ang gumanap na leproso. Biruin mo nga ay naging 3rd pa ako! Yehey! Sa dami-rami ng mga pinagdaanan namin noon ay hindi namin malilimutan ang mga alaalang iyon na siyang tumatak sa aming mga puso, at isip. Nakilala rin namin si Sir Dionglay na siyang nagbigay sa amin ng pag-asa upang lumaban at magpursige pa lalo. Sa ikalawang antas ay doon ko mas lalong nalaman ang lahat. Nalaman ko na may isa palang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Nang maging isa ako sa mga HONOR STUDENTS noong 2nd Grading, mas lalo pa akong nagsikap sa pag-aaral dahil gusto ko sanang magtuloy-tuloy na iyon. Ngunit hindi ako pinalad kaya’t gusto ko itong ipagpatuloy sa susunod na taon. Meron naman kaming FLORANTE AT LAURA kung saan gumanap naman akong iasang lobo. Nanalo ako at naging 2nd. Tuwang-tuwa ang aking pamilya sa pagkakapanalo kong iyon . Sa kabila ng kasiyahang iyon ay tuluyang itong nawasak nang minsang mabuwag ang pagsasamahan ng apat na magkakaibigan , tila nasaktan din ang aking damdamin dahil sa kanilang pag-aaway na naging dahilan ng tuluyang di pagpapansinan nila.
Maiba, Pinalayas ng asawa ang aking pinsan kaya’t sa amin siya lumapit upang doon pansamantalang manirahan. Alam naming mali ang ginawa niya pero kinupkop pa rin siya ng mga magulang namin. Palagi ko siyang kalaro sa tuwing walang pasok ng baraha dahil may baraha siyang dala nang umalis siya. Babaero kaya laging wala sa bahay. Niloloko lagi naming magkakapatid siya dahil kahit na katanghaliang tapat ay nagkakape siya. Masarap siyang kasama sa bahay ngunit pansamantala lang ito kaya umalis din agad siya pagkaraan na isang buwan.


Tungo ulit tayo sa pag-aaral. Sa ikatlong antas nakakatakot ang mga guro namin kaya kinabahan ako sa unang linggo ng klase. Mga dalubhasa na yata ang mga guro namin pagdating sa pagleleksyon dahil marami kaming natutunan sa pag-aaral kapag sila ay nagtuturo. Sa first grading ay hindi ako makapaniwala sa aking nalaman! Pang top 10 ako! Sobra-sobra ang aking kasiyahan nang marinig ko ang aking pangalan. Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon na ako ay maging isa sa mga mahuhusay na bata sa aming eskwelahan. Mas ginalingan ko pa sa mga araling mabababa nag aking marka. Sa 3rd grading ay naging pang siyam naman ako . Tuloy-tuloy na ito! Hindi ako kailanman nawalan ng pag-asa sa pagkamit ng aking mga pangarap dahil alam kong makakamit ko iyon kung may ibayong pagsisikap dahil ito ang magdadala sa atin sa magandang kinabukasan. Sumali rin ako sa MHCC, isang samahang nanghihikayat na maging isang alagad ako ng Diyos. Gusto ko talagang sumalidito sapagkat marami na akong pagkakamaling nagawa sa tanang buhay ko at gusto kong mawala o kahit mabawasan man lang ito upang sa oras ng aking kamatayan ay may bagong buhay akong tatahakin.

Nakilala ko rin ang isa sa mga mananayaw na galing sa paaralan ng Liceo de San Pablo. Ito ay si Mervin Dayo. Namangha ako sa ipinakita niyang galing sa pagsayaw na sinabayan pa ng kanyang kagwapuhan kaya ang lakas ng appeal sa mga dalaga. Isa na ako don no! Nakilala ko siya noong ginanap ang Science Camp sa paaralan naming at isa ako sa mga nakilahok. Noong lumipas na JS Prom naming ay naging. Masaya naman ang gabi ko dahil kahit papano ay may nagsayaw sa akin. Ipinagmamalaki kong ipakilala sa inyo sina:Paul Rey Royo, Mark Joseph Caneo, at Jomar Escobido, ang trio!

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin akong sumasabay sa agos ng buhay na siyang magdadala sa akin sa tamang daan upang mas lalong pa naming mapaunlad an gaming pinatatayong negosyo. Balang araw ay magkakaroon ako na restaurant kung saan ang Chef ay AKO. Tatanaw ako na malaking utang na loob sa mga taong patuloy na sumusuporta sa aming kinabukasan at magandang pamumuhay.

No comments:

Post a Comment