Wednesday, February 16, 2011

Mahal Ko Siya

                                                              jade flores

Ang tunay na pag-ibig ay yaong pagtanggap sa taong minamahal anuman ang pagkatao nito. Walang tao ang kailanman hindi nakaranas ng pag-ibig. Lahat tayo ay kayang ipagtanggol ang ating pinakamamahal alang-alang sa pag-iibigan sa  isa’t-isa.
          Ang kwentong ito ay nagsimula sa isang lalaking handing ipagtanggol ang pag-ibig niya  sa  nag-iisang babaing nagpatibok ng kanyang puso. Sakripisyo at pagtitiis ang  kinaharap niya para sa minamahal.
          Si Tyron Buenaventura, labing-anim na taong gulang, ay nakatira sa isang barangay  sa lungsod ng San Pablo. Siya ay may matipunong katawan at maganda ang pakakahulma ng kanyang mukha, gwapo ika nga. Hindi naman niya sinayang ang kagandahan niyang lalaki sapagkat siya ay talgang may interes sa pag-aaral. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, isa sa mga pampublikong paaralang pansekundarya sa San Pablo, siya ang pinakamahusay sa kanilang klase sa seksyon ng science. Madalas din siyang manalo sa mga kompetisyong kanyang nilalabanan. Nagsusulat rin si Tyron ng mga artikulo sa school paper ng kanilang paaralan. Hilig niya ang editoyal. Ilang buwan na lamang ay makakamit na niya ang pinakamimithi niyang pangarap, ang makapagtapos ng sekundarya at makatuntong sa ikahuling yugto ng kanyang pag-aaral, ang kolehiyo. Kailanman ay hindi siya nahumaling sa kagandahan ng mga dalaga sa paaralang iyon bagaman maraming babae ang nagpapaganda mapansin lang niya. Tanging ang pag-aaral muna ang kanyang inaatupag.

          Hanggang isang araw, may isang pagkaganda-gandang babae ang nakilala ni Tyron, si Vanessa De Guzman. Transfer ang dalaga mula sa paaralan ng Liceo de San Pablo. Hindi na nakayanan ng magulang niya ang papag-aralin siya sa pampribadong paaralan kaya’t malaki ang panghihinayang ng dalaga sa desisyon ng magulang. Si Vanessa labing-limang  taong gulang na babaing may katalinuhang taglay ngunit may itinatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Sa dati niyang paaralanay pangatlo siya sa pinakamahuhusay na estudyante. Tahimik siyang babae at mabait sa kapwa. Pantay-pantay lang ang pagtingin niya sa lahat ng taong nakakasalimuha niya. Nakatira ang dalaga sa San Marcos sa lungsod ng San Pablo. Nagkakilala ang dalaga at si Tyron nang minsang magkabanggaan sila sa oval ng Dizon High dahil sa paghahanap ng kanilang mga silid-aralan. Nagkahiyaan ang dalawang teenagers sapagkat nagkatinginan sila ng matagal sa isa’t-isa. Doon na nila nalaman ang kani-kanilang personalidad. Science dim pala ang seksyon ng dalaga. Naging magkaibigan sila mula noon. Hanggang sa pag-uwi ay hindi pa rin malimutan ni Tyron ang dalaga, sa ganda at yumi nito, lalo na ang mga nang-aakit nitong mga mata.
          “Masarap din palang kausap si Vanessa,” ang tuwang-tuwang sabi ni Tyron sa sarili habang inaalala ang kaibigan.
          Hindi malaman ng binata ang nararamdaman Kay Vanessa. Hindi siya mapakali sapagkat nagugulumihanan ang kanyang puso at isip kung mahal nab a niya ang dalaga, o pawang  pagmamahal lang ito sa kaibigan. Ngunit ngayon lang siya nakadama ng ganoon na bawat oras, minute at segundo ay palagi niyang naiisip ang dalaga. Para ring bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing  maaalala ito.
          Hatinggabi na nang makatulog si Tyron kaya’t kinabukasan ay muntik na siyang mahuli unang klase dala ng matinding pagkapuyat. Pagpasok niya sa room 26, ang bagong silid-aralan ng mga IV-Science ay una niyang nakita si Vanessa na himbing na himbing sa pagkatulog. Dahil dito ay nasabi na lamang ni Tyron sa sarili na,
          “Napuyat rin siguro sa kaiisip sa akin.”
          Nang magsimula na ang klase ay napansin ng binata na tulog pa rin si Vanessa. Nagtaka na mula noon ang binata. Nang katanghaliang tapat, naglakas loob si Tyron na lumapit sa kaibigan at nagtanong.
          “Bakit parang puyat na puyat ka?” tanong ng binata.
          Hindi kaagad nakapagsalita ang dalaga sapagkat nahihiya pa siyang ipagtapat sa kaibigan ang tunay niyang pagkatao. Namumutla siyang pinagmasdan ng lalaking kaibigan.
          Ngunit maya-maya ay nagsalita na rin ang dalaga.
          “Maaari bang sa oval tayo mag-usap?” tanong ni Vanessa.
          Pumayag naman si Tyron. Hindi pinansin  ng magkaibigan ang matinding sikat ng araw malaman lang ng binata ang nasasaloob ng kaibigan. Una na nagsalita si Vanessa.
          “Huwag ka sanang mabibigla, ngunit hindi lang tao ang lahi ko. May lahi rin akong  bampira,”mabilis na sabi ni Vanessa sa kaibigan.
          Nanlaki ang mga mata ni Tyron dala ng matinding pagkatakot.
          ” Ngunit huwag kang matatakot sapagkat hindi ako masamang bampirang nakilala mo. Hindi ako nandadamay tulad ng iniisip mo. Hindi ko kayang dalhin sa masama ang mga taong minamahal ko, lalong-lalo na ang taong naglakas-loob  para maging kaibigan ko, IKAW, “ani Vanessa.  
          Dahil sa sinabing iyon ng kaibigan ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Tyron. Lalo pang nadagdagan an gang pagmamhal ni Tyron sa kaibigan. Dahil ditto, ay ipinagtapat din ng binata na patuloy pa rin niyang magiging kaibigan gna dalaga at hindi ipagkakalat ang nalaman sa kaibigan.
          Namula si Vanessa, hindi malaman ang nararamdaman  ng kanyang puso. Matagal ang pag-uusap ng dalawa sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Nakahiga ang magkaibigan at masayang pinagmamasdan ang malawak na kalangitan.
          “Kay gandang pagmasdan na langit! Nawawala ang lahat ng problema ko kapag nakatingin ako diyan,” ang nagagalak na sabi ni Vanessa kay Tyron.
          “Alam mo bang may mas gaganda pa sa ganda na kalangitan?” tanong ni Tyron sa kaibigan.
          “Ano?” ani Vanessa.
          “Hindi, Sino,”ayon sa binata.
          “E, sino?”
          “E di, ikaw,” ang nakangiting  sagot ni Tyron.”       
          Lubha ang pagkatuwa ni Vanessa kahit na nakornihan siya sa lalaki. Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa sobrang kasiyahang nadarama nila sa isa’t-isa. Ngunit hindi nila nabanaagan ang isang tsismosang estudyante, si Clara. Matagal nang may pagtingin si Clara kay Tyron ngunit hindi man lang ito  mapansin ng binata sapagkat masyadong makasarili nito at mayabang. Kaya’t nang marinig ni Clara na may lahi si Vanessa ng pagkabampira, ipinagkalat kaagad niya ang pagkatao ng babaing umagaw sa kanyang minamahal na si Tyron. Parang apoy na kumalat sa buong paaralan ang tsismis ni Clara.
          Kinabukasan, nang umagang-umaga, dumating si Vanessa . Napansin ng dalaga na halos lahat ng makakasalubong niya sa daan ay iba ang pagtingin sa kanya kaya’t dali-dali siyang lumakad patungo sa silid-aralan niya. Halos magkasunod lamang na dumating sina Vanessa at Tyron. Pagdating ni Tyron sa loob ng kanilang sild-aralan, nakita niya si Vanessa, nakaupo  sa isang tabi, parang nahihiya sa sarili. Ikinuwento ng mga lalaking kaklase  nila ang tunay na dahilan kung bakit usap-usapan si Vanessa sa buong paaralan.
          Ito ang sinabi nila, “Tyron, hindi  pa ba ninyo nalalaman  ang usapan  dito, na si  Vanessa daw ay isang bampira. Ito ay ayon lang naman kay Clara. Alam mo naman ang babaing iyon, hindi magpapatalo, ayaw daw niyang maagawan siya ng isang bagong transfer na babae.”
          Pinagsamang pagkatakot at pagkagalit ang nararamdaman ni Tyron nang marinig ang salitang nagmula sa kaklase nila. Pagkatakot sapagkat  maaaring ma-expel ang kanyang kaibigan sa paaralan at pagkagalit dahil hindi niya akalaing magagawa iyon ni Clara. Agad niyang pinuntahan ang babaing nagpasimula ng tsismis at sinabi ng may panggigigil ang ganito.
          “Clara, ano ba ang pinagsasabi mo tungkol tungkol kay Vanessa?”
          Sinagot naman ni Clara si Tyronat sinabing , “Simple lang, ipinagkalat ko lang naman kung ano ang narinig ko kay Vanessa.”
          Napikon na si Tyron kaya hinawakan  niya si Clara ng mahigpit na mahigpit sa braso na para bang hindi niya padadaluyan ng dugo ang braso ng kawawang babae.
          “Aray ko, nasasaktan ako!” ang sabi ni Clara habang nananakit ang braso.
          “Sa oras na may mangyaring masama  kay Vanessa, mananagot ka!” ang pagalit na sabi ni Tyron.
          Makikita sa mukha ni Clara ang pagsisisi sa ginawa kaya’t binitawan na ni Tyron ang dalaga at iniwanan na ito.
          Bumalik si Tyron papunta sa kaibigan at nakita niya na kulang na lang ay mamatay si Vanessa sa dami na galos at sugat sa katawan na kakagawan ng mga taong ayaw sa dalaga . Dali-daling tinulungan ni Tyron si Vanessa. Ipinagtapat niya ang katotohanan sa harap ng maraming tao.
          “May lahi talaga ng bampira si Vanessa. Ngunit naparito siya upang matuto na tamang asal, malaman ang buhay ng isang normal na tao, at…..
          Napatigil ang mga tao at nabitin sa sinabing iyon ni Tyron.
          At matutong magmahal.” Mahal ko na si Vanessa. Hnada kong isakripisyo at ibuwis ang lahat para sa kapakanan ng nag-iisang taong nagpatibok ng aking puso.      
          Natigilan at nabigla ang lahat sa sinabing iyon ni Tyron. Maging ang mga guro ay hindi makapaniwala. Maya-maya ay nagliwanag ang buong paligid. Nasilaw ang lahat ng tao maliban kay Tyron. Nakita niya ang Panginoon na nakatingin sa kanya, nakangiti. Natuwa si Tyron dahil alam niya ang dahilan ng pagngiting iyon  ng Panginoon. Pagkatapos ay nawala na ang liwanag at nakita ni Tyron si Vanessa na malakas na. Walang bakas ng mga sugat sa dalaga.Wala nang gumambala sa pagmamahalan ng dalawa.


   



No comments:

Post a Comment